By

Wonder Beki ikararangal ng mga beki

Sharing is caring!

Ang Barbi director na si Tony Reyes ang sumulat ng kuwento ng Barbi, D’Wonder Beki.

“Basically, ang kuwento ng Barbi, ibinase ko sa una (ang 1989 Barbi: Made in the Philippines movie ni Joey de Leon). Ang difference lang, si Barbi, beki siya ngayon.

“‘Yung mga Barbi namin ni Joey, lalake siya pero matutuwa kayo kapag napanood ninyo ang pelikula, ikararangal ng mga beki ‘yung movie,” ang pahayag ni Direk Tony.

Ikinuwento rin ng veteran comedy director na bukod sa Barbi, gusto ni Joey na magkaroon ng remake ng 1988 movie na Sheman: Mistress of the Universe.

“Even ‘yung Sheman, ino-offer na ni Joey na gawin,”ang sabi ni Reyes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?