56

Feb 17, 2020 @ 18:47
By

‘Women’s Patrol’ panlaban sa krimen sa Pateros

Isang women’s group na kinabibilangan ng 18 babae, na ang iba ay mga lola na, ang katuwang ng lokal na pamahalaan ng Pateros sa paglaban sa krimen.

Tinatawag na “Women”s Patrol” ang mga kababaihan na ito na nagpapatrolya sa mga madidilim na lugar sa Pateros.

Ayon kay Jenny Helo, 39, na siyang lider ng grupo, nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang war on drugs noong 2016 ay isa ang Pateros na inatake ng bonnet gang na nagdulot ng takot sa may 63,000 residente.

Ang takot na ito ang nagbunsod umano sa grupo para magbantay sa kanilang komunidad sa buong gabi na tanging armas ay flashlight.

“When we started patrols, the enthusiasm came back to our community and the fear disappeared. Back then, people were afraid to go out. But when they saw how effective we are, because of how we really go around the community, people regained confidence,” paliwanag ni Helo.

“We never found out who the bonnet gang were, but we believe we thwarted them. We disrupted them in what they do,” dagdag pa nito.

Kinilala naman ni Police Col. Simnar Gran, hepe ng Pateros Police, ang kontribusyon ng women patrol sa paglaban sa kriminalidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?