46

Oct 6, 2017 @ 15:43

Women Aquathlon pakakawalan sa RMSC

Tampok ang pasiklaban ng mga kababaihan sa Phi­lippine Sports Commission-Women In Sports, Women Sports Festival Aquathlon 2017 sa Linggo, Oct. 15, simula alas-sais ng umaga sa Rizal Memorial Sports Complex.

Inihayag ni PSC Commissioner at Women’s Sports Festival in-charge Fatima Celia Hicarte Kiram na open ito sa lahat ng kababaihan na gustong subukan ang disiplina at sa iba pang mga sports na binabalangkas ng PSC.

“We welcome all, not just our young athletes but also our moms and hobbyists to encourage our women to be part of our program and join the activities for the whole year,” giit ni ni Kiram. “Gusto namin na maipakita ang kakayahan ng kababaihan na hindi lamang sila palagi sa loob ng bahay, dapat pang-sports na rin,”

Hinawakan ni executive assistant Judith Laygo ang katatapos na canoe-kayak and dragonboat festival at weightlifting, kasunod ang swimming at running race na ito.

May kumpetisyon din sa 13-above sa 400-meter swim at 1.3-kilometer run, ang 16-above ay tinakda sa 800m swim at 2.2k run.

May medal at prizes ang Top 3 sa 13-20, 21-29, 31-39 at 40-up, at sa Run-Swim-Run  sa 16-20, 21-19, 31-39 at 40-above.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?