22

Dec 18, 2017 @ 15:35

Wizards sadsad sa Cavaliers

Naging makupad man ang simula, naitala ni LeBron James ang ikaapat niyang triple-double sa limang laro, 20 points, 12 rebounds at 15 assists, nang talunin ng Cleveland Cavaliers ang Washington Wizards 106-99, nitong Linggo (Lunes, Manila time).

Nakaiskor naman ng team-high 25 points si Kevin Love, habang si Jeff Green ay may 15 points para sa Cavs.

Sumabak sa mahirap na giyera kontra Wizards ang Eastern Conference giants kung saan dalawang beses nagtabla sa iskoring ang dalawang koponan sa pagtatapos ng second half at sa third quarter.

Ang pukol sa tres ni LeBron sa kaagahan ng fourth quarter ang nagpalamang sa Cleveland at nang magningas ng 8-0 run.

Nakapagbaon pa ng 3-point play si Green sa 6:55 na nalalabi sa fourth para sumulong sa 95-89 lead ang Cavaliers.

Nanguna si Bradley Beal na may 27 points para sa Wizards, na may dalawang sunod nang panalo.

May 15 points at 10 rebounds naman si John Wall.

Nakalusot ng 12 three-pointers ang Wizards ngunit mayroon lamang siyam na naipasok sa 16 sa free throws.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?