20
jodie-meeks
By

Wizards guard Meeks, suspendido dahil sa positibong drug test

Sharing is caring!

Hindi makikita sa 25 na laro ng Washington Wizards si guard Jodie Meeks dahil sinuspinde ito matapos magpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na substance ng liga.

Inanunsiyo ng NBA ang suspensiyon nitong Biyernes, isang araw bago ang Game 1 ng first-round playoff series ng Wizards laban sa top-seeded ng East na Toronto Raptors.

Nagpositibo si Meeks sa Ipamorelin, isang growth hormone na ipinagbabawal sa liga.

Dahil sa pagkawala ni Meeks, tinapik ng Washington ang serbisyo ni guard Ty Lawson na siya munang papalit sa trabaho ng una kasama sina starting guards John Wall at Bradley Beal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?