39

Dec 26, 2017 @ 14:56

Wizards binasura ang Celtics sa sariling teritoryo

Binasura ng Washington Wizards ang Boston Celtics sa sarili nitong teritoryo, 111-103.

Abante ang Boston sa nalalabing 6:18 ng laro, 95-90, sa pukol sa tres ni Kyrie Irving sa una nilang Christmas Day home game.

Pero rumesbak ang Wizards, nagtakbo ng sumunod na 12 points sa tulong nina Bradley Beal at Kelly Oubre na may tig-limang puntos at naigapang nila ang 21-8 run para sa panalo.

May game-high 25 points si Beal habang nagdagdag si John Wall ng 21 points at 14 assists.

Parehong tumikada ng 20 sina Irving at Jayson Tatum para manguna sa Celtics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?