110

Jul 31, 2021 @ 16:25
By

Wisik-wisik lang! Ashton Kutcher at asawa, tamad maligo!

Inamin ng mag-asawang Ashton Kutcher at Mila Kunis ang isa nilang maruming sikreto sa isang podcast – hindi sila naliligo araw-araw.

“I don’t wash my body with soap every day,” kwento ni Kunis sa episode ng ‘Armchair Expert’ podcast ni Dax Shepard. “I didn’t have hot water growing up as a child, so I didn’t shower much anyway.”

Ayon naman sa 43-anyos na si Kutcher, kili-kili at singit lamang ang hinuhugasan niya araw-araw.

“I wash my armpits and my crotch daily, and nothing else ever. I got a bar of Lever 2000 that delivers every time,” aniya.

“If you can see the dirt on them, clean them. Otherwise, there’s no point,” dagdag pa ni Kutcher.

Ang masama pa nito, ang kanilang katamaran sa pagligo ay naipasa na sa kanilang dalawang anak.

“When I had children, I also didn’t wash them every day,” ani Kunis. “I wasn’t that parent that bathed my newborns — ever.”

At paano nagiging mukhang presko sa paningin ng madla ang dalawa? Sinabi nilang ang mukha nila ang hinihilamusan nila sa araw-araw.

Dahil sa pag-amin nilang ito ay naging tampulan sila ng asaran sa internet at naging trending pa sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?