52

Jan 2, 2018 @ 18:39
By

Wish ni Joma na buhayin ang peace talks, malabo – Palasyo

Malamig ang Malacañang sa kahilingan ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na muling buhayin ang peace talks.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, sa ngayon ay malabo ang kagustuhang mangyari ni Joma para bumalik sa negotiating table.

Kailangan aniyang magpakita ng katapatan ang grupo ni Joma dahil iba ang sinasabi sa ginagawa ng mga ito.

Sa katatapos aniyang holiday season ay panay ang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa kabila ng tigil-putukan na malinaw ng kawalan ng sinseridad sa panig ng kilusang komunista.

“They need to show and prove good faith. Over the holidays despite ceasefire, they attacked anew, so as of now, malabo,” ani Roque.

Matatandaang naglabas ng deklarasyon si Pangulong Rodrigo Duterte para ihanay sa listahan ng mga terorista ang CPP-NPA dahil sa panay-panay na opensiba sa mga puwersa ng pamahalaan.

Itinuturing na ring “enemy of the state” ang NPA dahil sa lantarang banta na pagpapabagsak sa Duterte administration. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?