53

Aug 25, 2021 @ 15:47
By

Wish ni Ivana sa kapatid: Sana hindi mapunta sa’yo ang sumpa

Nagdiwang ng kanyang 17th birthday ang kapatid ni Ivana Alawi na si Mona kamakailan.

Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Ivana ang naging simple celebration ni Mona sa kanilang bahay.

Sey ni Ivana, hiniling daw sa kanya ng kapatid na huwag nang gumastos sa handa dahil mas gusto nitong ipamigay na lang sa mga nangangailangan.

Good health ang wish ng mommy nilang si Fatima at kapatid na si Hashim kay Mona habang ang magkaroon ng dyowa ang wish ng sexy actress.

“Wish ko rin na magkaroon ka ng boyfriend na magmamahal sa’yo. Sana hindi mapunta sa’yo ang sumpa ng Alawi family,” sey ni Ivana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,