17

Mar 29, 2021 @ 16:02
By

Wish ni GMA: Mabilis na paggaling ni Erap

Ipinagdarasal ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mabilis na paggaling ni dating Pangulong Joseph Estrada.

“I wish to extend my warmest wishes for a speedy recovery to former President Joseph Ejercito Estrada and all those battling Covid-19. You are in my thoughts and prayers,” ani Arroyo sa isang pahayag.

S Arroyo ang pumalit kay Estrada matapos nitong lisanin ang Malacañang sa kasagsagan ng impeachment trial.

Ayon kay dating Sen. Jinggoy Estrada ang kanyang ama ay nagpositibo sa COVID-19.

“Nais ko pong ipaalam sa inyo na ang aking ama, na si dating Pangulong Joseph Estrada, ay isinugod namin sa ospital kagabi sa kadahilanan ng panghihina ng kanyang katawan,” saad ng batang Estrada sa isang social media post.

Humingi rin ng panalangin para sa dating Pangulo ang anak nitong si dating Sen. JV Ejercito.

“Please pray for my father who has tested positive for COVID-19 and was rushed to the hospital. Please pray for all those who are likewise fighting this virus,” ani Ejercito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?