44

Dec 24, 2017 @ 17:54
By

Wish ni de Lima: Ipatigil ni Duterte ang mga patayan

Sa unang Pasko sa kulungan, sinabi ni Senadora Leila de Lima na dasal niya ang isang himala na pagpapatigil ng mga patayan.

Sa ikalawang Pasko aniya ng bansa sa ilalim ng Duterte administration, marami ang naulila sa kampanya laban sa ilegal na droga habang nagpapatuloy pa rin ang karahasan.

“Gaya noong nakaraang Pasko, dalangin pa rin natin ang magkaroon ng milagro kung saan ipag-uutos na ni Duterte ang pagpapahinto sa mga patayan at ang pagpapanagot sa mga nagkasala,” pahayag ni De Lima.

“Ipanalanganin di natin ang mga naulilang ina, ama, asawa, anak at kapatid na haharapin ang Pasko sa gitna ng pagluluksa at paghahanap ng hustisya sa mga pinsala g madugong pamamalakad ng rehimeng Duterte,”dagdag nito.

Hinamon naman nito ang administrasyon na atupagi na ang kahirapan, trabaho at kita ng mga manggaawa, ang kalikasan, kalagayan ng mga katutubo, edukasyon at kapakanan ng mga maralitang taga-lungsod.

Ito aniya ang mga dapat unahin kaysa galit, paghihiganti at pansariling agenda.

Kaligtasan at lakas naman ang dasal nina Senadora Grace Poe at Senadora Nancy Binay ngayong marami ang namatay sa mga kalamidad partikular ang mga sinalanta ng bagyong Urduja at Vinta at mga nasawi sa pagguho ng lupa sa Tubod, Lanao del Norte.

“Naway gamitin natin ang pag-asang dala ng kapanganakan ni Kristo upang bigyang muli ng bagong simula an gating mga buhay, lalong-lalo na ang mga kapatid nating nasalanta ng mga kalamidad at mga sakuna,” pahayag ni Binay.

“We pray for strength and resilience for the victims, as we gather support to make them overcome this tragedy, especially this holiday season,” pahayag naman ni Poe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?