270

Jun 20, 2019 @ 20:23
By

Wish na cremation ni Manoy, planong tuparin ng pamilya

Plano umano ng pamilya ni Eddie Garcia na tuparin ang wish ng aktor na mai-cremate siya.

Maging ang burol ng beteranong aktor para sa mga fan ay pinag-iisipan ng pamilya, ayon kay Dr. Tony Rebosa sa ABS-CBN report.

Sa nakaraan niyang interview noong 2012, sinabi ni Manoy na ayaw niya ng burol at gustong mai-cremate agad saka isasaboy ang abo niya sa Manila Bay.

Nitong June 20 pumanaw si Garcia matapos ang halos dalawang linggong pagkaka-coma dahil sa neck injury nang mapatid at matumba habang nagti-taping ng TV series.

Nagtamo siya ng severe cervical fracture at inilagay sa “do-not-resuscitate” status noong June 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?