7

By

Wiretapping sa mga tiwali, sangkot sa droga, sinusulong sa Kamara

Sharing is caring!

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang wiretapping sa ilang mabibigat na krimen.

Inaamyendahan ng House Bill 8378 ang Republic Act 4200 o Anti-Wiretapping Law.

Sa ilalim nito, dinagdagan ang exemption sa mga krimen na pwedeng isailalim sa wiretapping kabilang ang kudeta, robbery in band o paglabag sa Anti-Piracy at Anti-Highway Robbery Law, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law, katiwalian, syndicated illegal recruitment at money laundering.

Pero, kailangang may court order para maisagawa ng mga awtoridad ang wiretapping.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, pinapayagan lamang ang wiretapping base sa court order para sa mga kasong may kaugnayan sa seguridad ng bansa kabilang ang treason, espionage, panunulsol ng giyera, rebelyon at terorismo.

Ipinagbabawal naman ng HB 8378 sa mga telecommunication entity na magtago ng voice recording na hindi na subject ng kaso.

Ang lalabag dito ay puwedeng makulong ng labing dalawang taon, magmulta ng isang milyong piso at habang buhay nang hindi makapagtatrabaho sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?