95

Mar 16, 2019 @ 21:40
By

Winwyn umatras sa Bb. Pilipinas

Takot matalo?

Nagdesisyon na si Winwyn Marquez na hindi na siya sasali pa sa kahit na anong beauty pageant, kahit na sa Bb. Pilipinas.

Nag-post muna ni Winwyn ng kanyang larawan sa Instagram, at kasunod din ang photo ng kanyang announcement.

Nagpasalamat muna si Winwyn sa kanyang mga supporter na humihikayat sa kanyang sumali sa Bb. Pilipinas this year. Pero sabi nga ni Winwyn, hindi na siya sasali sa kahit na anong beauty pageant, dahil naka-focus na siya sa kanyang acting career.

Paliwanag pa ni Winwyn, hindi siya papayagan ng Bb. Pilipinas Charities Inc. na sumali dahil meron siyang existing contract sa Kapuso Network.

Tinuldukan na ni Winwyn ang journey sa pagsali sa mga beauty pageant, dahil nais din niyang pagtuunan ng pansin ang iba pa niyang mga pangarap, tulad ng pagtatayo ng community engagement program para sa mga bata.

Sa showbiz at advocacy para sa mga bata na raw nakasentro ang atensyon niya.

Hindi na kami magtataka kung sa mga susunod na mga taon ay lulusong na rin sa agos ng politika ang dalaga, dahil sa pa­nayam namin sa kanya, hindi niya isinasara ang posibilidad na sundan ang yapak ng kanyang inang si Alma Moreno na naging konsehal ng Parañaque, at amang si Joey Marquez na naging mayor din doon.

***
Lani titigil lang sa pagkanta kapag kulubot na

Titigil lang daw sa pagkanta si Lani Misalucha kapag naging kulubot na ang kanyang balat. Napag-usapan sa presscon ng “The Aces” (sa March 30, sa Araneta Coliseum) ang tungkol sa “retirement” sa propesyon.

Nagbalik-tanaw si Lani, sa pag-alis nila ng kanyang pamilya sa Pilipinas patu­ngong Amerika para doon na manirahan. Nagdesisyon na raw ang tinaguriang “Asia’s Nightingale” na iiwan na niya ang pagkanta at mamumuhay nang tahimik sa US.

Pero lagi raw siyang nilalapitan ng mga offer, gaya nga ng pagpuwesto niya sa Las Vegas strip ng ilang taon. At sa kasalukuyan may mga offer pa rin kay Lani, na hindi niya matanggihan.

Hindi mabigyan ng time frame ni Lani ang sarili kung kailan siya titigil sa pagkanta. Pero posibleng mag-retire siya kapag kulubot na ang balat niya.

***

Jayda Avanzado eeksena sa Indonesia

Dedma si Jayda Avanzado sa mga masasakit na salita sa social media na ibi­nabato sa kanya ng mga basher. Pero inamin niyang nasaktan siya noong una sa mga pan­lalait sa kanya ng mga basher, pero hindi raw niya iniyakan.

Samantala, kabilang si Jayda sa mga ASAP ar­tist na sina Darren Espanto, KZ Tandingan, Bugoy Drilon at ang bandang Ben & Ben na magko-concert sa Singapore sa May 26, sa Scape Playspace, Orchard Link, sa ilalim ng 1MX o One Music X.

Ang 1MX ay ang kauna-unahang music Festival na binuo at prinodyus ng Pilipino. Nauna na rito ang Dubai at Abu Dhabi, na siyang pinagtanghalan ng 1MX.

Bukod dito, nakatakda na ring lumarga ang music career ni Jayda sa Asia dahil ilulunsad ang music collaboration nito sa isang Indonesian singer ngayong April sa Indonesia. Nakapag-record na ng song si Jayda kasama ang Indonesian artist dito sa ‘Pinas, at dadalhin ito sa Indonesia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?