105

Nov 8, 2017 @ 12:37
By

Winwyn, nagbigay ng mensahe sa mga supporters at bashers niya

Kung nawalan ng pag-asa at itinigil ni Winwyn Marquez ang pangarap niyang maging beauty queen, wala sanang kauna-unahang Reina Hispanoamericana ang ‘Pinas at ang Asya.

Laman ng Instagram message post ang kuwento ng pinagdaanan ni Winwyn, na caption sa magkakasunod na photo ng kanyang pagwawagi at habang kinokoronahan siya.

@wynmarquez, “WARNING: Nobela po ito, pagbigyan. Some people say it’s unknown pageant, a small pageant, an insignificant pageant but if u really do find time to know it you’ll be surprised what Reina Hispanoamericana is. The first few days was tough kung alam nyo lang and naiyak talaga ako. Pero i pushed myself at nabuhayan talaga ako dahil sa Pinoy. Gusto ko lang pong magthank you sa mga tao na tumulong sa akin, sorry if medyo nobela.

“Thank you sa mga wynaddicts na sobrang pinasaya ako sa group chat and paga update sa lahat. Mga pages to spread the word for the votes, all fans of my friends – aldub and iba pa. My tikis, puks and southville, mga prof ko, tita gelene, and sa lahat ng mga kaibigan ko na simula pa lang naniwala at walang sawang mag remind na kaya ko at napagalitan pa ko pag nasisira loob ko. Pong, Renz and JP you 3 are made sure i will always look like a queen everyday kahit marami nagda doubt sa akin kayong 3 hindi ako iniwan and you made sure i have eveything to look like a queen thank you so much.

“MWP family, my sisters, bessie, pj and sir arnold salamat sa lahat sa lahat ng stress nalagpasan natin hehehe and sa ACES and QUEENS family ko mga mama ko, my gosh kayo ang reason kung bakit mas naging confident akong mag perform. YOU GUYS and you never gave up on me, thank u so much kahit minsan nago-over think naiintindihan nyo ko hehe (mama j ikaw ang dahilan kung bakit ganito lakad ko, mana ako sayo hahaha – mama ru, momi, tito nad, kuya pau, albert..sa lahat ng aces and queens i love you). To Mama, Daddy, Pangga ko and to my whole family kayo ang rock ko. Thank you for being beside me sa lahat lahat even in may point na ayaw nyo na kong sumali kasi nakita nyo ko kung gaano nalungkot pero dahil nakita nyo na gusto ko talaga, you guys held my hand all the way through my dream.

“My brother yeoj and tita ailyn you two stayed with me in Bolivia since day 1 and nakita nyo lahat kung gaano kahirap. Nagpapasalamat ako na sumama kayo and kayo nagpapangiti at nagpu push sa akin doon na parang lost na ako.

“You guys made me sane. I may not see you all the time in Bolivia pero alam kong nakabantay lang kayo para maramdaman kong di ako nagiisa. Sa mga unang araw 2 lang kayong pumapalakpak sa kin at sobrang saya ko nun. I owe you guys so much i love you kuya and tita.

“To Promociones gloria thank you for this opportunity and i will not let you down. And sa bashers at sa ibang mga pinoy na hindi naniniwala sa akin at sa RHA maraming salamat pa din po. Dahil sa mga sinabi nyo mas gusto ko patunayan sa sarili ko na kaya ko.

“Sa mga PH Queens mabuhay kayo hindi nila alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan natin. Saludo ako sa inyong lahat. Sa mga pinoy naman po sumuporta sa akin dito at sa Bolivia and sa buong mundo sana po naging proud kayo.. Para po sa inyo ang crown na toh para sa Pilipinas at para kay Papa Jesus.

“I apologize kung may namiss po ako but please know that lahat lahat po ng tumulong at lahat po ng naniwala sobrang nagpapasalamat po ako.

“Ako po si Teresita Ssen Marquez and i’m proud of my unique heritage and proud to be the first Filipina and the only Asian to join and WIN Reina Hispanoamericana.” (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?