519

Dec 18, 2017 @ 12:03
By

Winwyn nag-enjoy sa hampas ng alon sa Camiguin

Mula nang masungkit ni Winwyn Marquez ang korona bilang kauna-unahang Asian at Pinay na nanalo sa Reina Hispanoamericana, hindi na nagpa-awat pa ito na maglantad ng kanyang alindog sa social media.

Nakaposte sa kanyang IG wall ang larawan nang nasabing Kapuso star nang naka-floral printed bathing suit, habang nakaupo siya sa umaagos ng tubig sa beach front.

Sa caption na sinulat ni Winwyn, inimbitahan nya ng kanyang mga followings na manood ng “Road Trip” isang reality-trio base show na mapapanood sa GMA at kasama niya ang boyfriend na si Mark.

Hindi ang caption ang mapapansin ng netizen kundi ang kaseksihan nang actress-beauty queen na tuwang-tuwa sa nakikita niyang ganda nang kalikasan sa Camiguin.

Sa pagkaka-puwesto ni Winwyn sa buhangin at tubig-dagat makikitang wagas ang pagkakangiti nito.

Kung nakakapagsalita lang ang buhangin na inuupuan ni Winwyn, malamang nag-enjoy naman ito sa pag-hampas ng agos sa alindog ng aktres..

Wala namang kumu-kontra o nagni-nega sa pagkakaposte ni Winwyn ng kanyang bikini get-up. Marami nga sa mga followings nang Kapuso network girls ang bumibilig sa kagandahan.

Jackpot ngang matatawag kay Mark Herras ang pagiging boyfriend nya kay Winwyn, dahil bukod sa matalino, matulungin ito, napaka-sexy naman talaga nang huli. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?