29

Jun 16, 2020 @ 8:43

Winwyn mukhang barakong mandirigma

Tuluyan nang iniwan ni Winwyn Marquez ang kanyang beauty queen image at figure, sa gusto niyang porma ng katawan.

Mapapanood sa Instagram ni Winwyn ang video kung saan bumubuhat siya ng dalawang malaking metal plates, na mga lalake lang ang nakakagawa.

Parang barako kung angatin ni Winwyn ang mga bakal at saka ipinatong sa kanyang balikat, saka itinaas ng dalawa niyang kamay.

Mismong si Wynwyn na ang nagsasabing mas gusto na nitong maging amazona o mukhang mandirigma, kaysa maging isang mala-manika.

“I’d rather be Super Woman (an Amazona) than Barbie. PR 100lbs (men’s bar) #iMissCrossfit #IMissHMDgym,” sey niya.

Si Winwyn lang yata ang beauty queen na tinatahak ang body building/cross fit work out program.

Ang iba ay nanatili sa imahe nilang seductress, barbie doll-body. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?