213

Nov 5, 2017 @ 13:58

Winwyn Marquez wagi bilang Reina Hispanoamericana 2017

Kinoronahan si Winwyn Marquez bilang Reina Hispanoamericana 2017 noong Sabado ng gabi sa Bolivia, ang unang Pinay na sumali at nagwagi sa nasabing beauty pageant.

Tinalo ni Marquez ang 26 na mga kandidata sa kumpetisyon. Pinalitan niya Maria Camila Soleibe ng Columbia.

Samantala, tinangal naman bilang Virreina Hispanoamericana ang Curazao, 1st runner up ang Brazil, 2nd runner up ang Venezuela, 3rd runner up ang Mexico at 4th runner up naman ang Bolivia.

Sa question-and-answer portion, tinanong si Marquez kung paano niya maipo-promote ang Hispanic-American culture sa kabila ng kahirapan sa lengguwahe.

Sinagot ito ni Marquez ng: “Language can be learned but the will and determination to contribute to the organization cannot. It has to come from the heart. It has to be natural. I believe that kindness is a universal language that if you treat people with tolerance, patience, and love, you will understand each other.”

“The Hispanic culture is not about language only. It’s about love for God, love for country, love for history and culture and love for family. As a Filipina with a unique heritage, I have instilled that. I am ready to promote the Hispanic culture not just in Asia but in the whole world. It is time to celebrate the Hispanic culture. It is meant to be celebrated,” dagdag pa nito.

Si Marquez ay anak ng aktor na si Joey Marquez kay Alma Moreno at pamangkin ni dating Miss International Melanie Marquez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?