112

Nov 5, 2017 @ 10:52

Heart mistulang First Lady sa dinaluhang inauguration

Matapos ang rubbing elbows ni Heart Evangelista kay Japan Prime Minister Shinzo Abe para sa isang official visit kasama ang asawang si Sen. Chiz Escudero, politician’s wife naman ang eksena niya nang pumunta siya sa Sorsogon.

Dinaluhan nilang mag-asawa ang inauguration ng isang center (CPA ba?) na pinamahalaan ni Sen. Chiz ang construction nito.

“I’m over the moon happy for my CPAs angels. Finally there is center here in #Sorsogon that will cater to their needs in a more proper environment. My husband Chiz facilitated the construction of the CPAs center, and we inaugurated it a few days ago with Nanay Evie, the doctors and other officials.

It’s such a big blessing to do this with them as well as my family here in Sorsogon! Ang saya kong nagkita-kita na tayo ulit! Sana, mas marami pang makapagkonsulta at magpatingin dito. Maituturing niyong pangalawang tahanan itong center.

Mahal namin kayo,” caption ni Heart.

Biro nga ng ilang komento ng followers niya, puwede na siyang maging First Lady ang bida ng My Korean Jagiya sa 2022, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?