150
Winwyn Marquez kinilig kay Pia Wurtzbach
Mar 3, 2019 @ 17:49
By

Winwyn Marquez kinilig kay Pia Wurtzbach

Hindi napigilang kiligin ni Winwyn Marquez nang makatanggap ito ng papuri mula kay Pia Wurtzbach na nagsabing ‘Miss Universe Material’ umano siya.

“Can’t lie. I had a mini heart attack when I read this,” saad ni Winwyn sa kaniyang Instagram stories noong Sabado, Marso 2.

“Pia is one of my inspirations. I really looked up to her lalo nung [Binibining Pilipinas/Miss Universe] 2015,” dagdag pa nito.

“[To be honest], I was lowkey kilig (well super kilig) na nakasabay ko siya mag-perform sa isang stage nung sabay kami nag-BBP. Pwede ko na pa-print and pa-frame [itong] comment na ‘to. Thank you!” pahayag pa ni Winwyn.

Hindi lamang si Pia ang humihikayat kay Winwyn na sumabak sa pagrampa sa Miss Universe kundi maging ang libu-libong mga fan ay humihiling na sumali si Winwyn sa Binibining Pilipinas ngayong taon.

Samantala, hindi pa naman kinukumpirma ni Winwyn kung sasali ng aba siya ngayong taon sa Binibining Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?