149

Dec 15, 2017 @ 12:40
By

Winwyn at Mark, ayaw paawat sa lampungan

Isa sa pinakamatatag na celebrity couple ngayon ay sina Winwyn Marquez at Mark Herras.

Hindi nababawasan ang laki at tindi ng pagmamahalan nila sa isa’t isa na kulang na lang nga ay mag-propose na ng engagement ang aktor para iselyo na niya ang pag-iibigan nila ng kinoronahan sa taong ito bilang Reina Hispanoamericana sa Bolivia.

Sa nakaraang birthday ni Mark, nagposte si Wyn ng larawan nila ni Mark sa harap ng dagat.

Masisilip sa IG wall ng actress-beauty queen na magkaharap silang dalawa, naka-angkla ang isang kamay ni Wyn sa likod ni Mark at nakahawak naman sa beywang nito ang kasintahan.

Parang pictorial para sa isang beauty product o pelikula ang kuha nilang dalawa sa IG wall ni Wyn.

Sa kanyang mensahe, nagpahayag ng kanyang wagas na pagmamahal si Wyn para kay Mark.

@teresitassen, “Happy Happy thirtween birthday to the man who makes me feel like a queen everyday and sa nagbibigay sa akin ng sakit ng ulo (just kidding)… My pangga may God give you the strength and wisdom to surmount all the challenges life brings you..i love you @angelosantosherras.”

Mula nang maging open sina Winwyn at Mark sa kanilang lovelife, hindi na sila naawat pang i-share ang kanilang mga happy moments sa socmed.

May mga basher ang dalawa dahil sa kanilang relationship pero dedma lang sina Mark at Wyn sa mga ito.

Kung ang iba ay talagang itinatago sa publiko ang kanilang lovelife, wala namang pakialam ang dalawa na iparamdam sa lahat ang pagiging proud nila sa pagmamahal nila sa isa’t isa. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?