155

Apr 10, 2018 @ 16:38
By

Winwyn Kapuso pa rin

Kapuso pa rin si Reina Hispanoamericana Teresita Ssen ‘Winwyn’ Marquez.

Kung matatandaan ay nag-expire ang kontrata ni Winwyn sa GMA-7 noong nakaraang February 15, 2018. May mga nag-assume na lilipat ang actress-turned-beauty queen sa ABS-CBN 2.

Ayon kay Arnold Vegafria, pipirma ng three-year contract sa GMA-7 si Winwyn at magbibida ito sa isang malaking teleserye.

Isa sa mga loyal talents ng GMA-7 si Winwyn na nagsimula sa pasayaw-sayaw sa Party Pilipinas noong 2010, hanggang pasukin nito ang pag-arte via the teleserye Blusang Itim in 2011 kunsaan naging kontrabida siya ni Kylie Padilla.

Halos puro kontrabida roles ang ginawa nito sa mga teleseryeng One True Love, Kambal Sirena, Dormitoryo, The Half-Sisters, Ang Lihim Ni Annasandra, Little Nanay, Someone To Watch Over Me, Encantadia at Mulawin Vs. Ravena.

Kahit na Teresita na ang gustong gamitin na name ni Winwyn, hindi pa rin daw mawala sa marami ang tawagin siya sa nakasanayan na nilang pangalan niya.

“Winwyn pa rin ang gusto nilang itawag sa akin talaga. Sanay na raw sila sa name kong iyon. Bagay naman daw. Masyado raw pangmatanda ang Teresita! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?