74

By

Winwyn, kakabugin ang ibang beauty queens sa isang show

Sharing is caring!

Hindi lang ang pagbabalik sa ‘Pinas bitbit ang tagumpay at korona ng Reina Hispanoamericana 2017 ang nagpasaya ng bonggang-bongga kay Winwyn Marquez kundi ang isa pang blessing na natanggap niya kamakailan lang.

Natupad ang isa sa mga inaasam-asam ni Winwyn na maging endorser ng pinakamalaking clothing brand sa bansa na may mga retail stores sa iba’t ibang bansa, ang BENCH.

Pumirma kamakailan lang si Wyn ng kontrata sa Bench kasama ang organizer ng Miss World Philippines na si Arnold Vegafria.

Nagpahayag ng kasiyahan at excitement niya si Wyn sa posting niya ng larawan nila ng manager at ng CEO ng BENCH na si Mr. Ben Chan.

@wynmarquez, “i am so excited and proud to say that i am the newest member of @benctm family. This is real! Thank u tito @bcben @arnold_vegafria @missworldphils!! I will be part of #BenchUndeTheStars show this coming Nov.18. The show will be BIG and you wouldn’t want to miss it. See you there? Yes?”.

Ang BENCH ang isa pa lang sa fabulous at malaking opportunities na dumating kay Wyn matapos ang pagwawagi niya sa RH, at siguradong marami pang malalaking blessings ang lalagpak sa kamay ng Kapuso star.

At dahil fresh pa ang kanyang panalo tiyak nang pasabog ang magiging appearance ni Wyn at isa siya sa magiging highlight ng show.

Sinasabing ang ganda, kaseksihan at alindog ng anak na ito nina Alma Moreno at Joey Marquez ang kakabog sa ibang beauty queens na kasali sa show.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?