89
ABANTE-winwyn-marquez
By

Winwyn ipinagmalaki ang pamatay na kaseksihan

Sharing is caring!

Pinuno ni Winwyn Marquez ang kanyang Instagram ng mga never-before-seen photos na naka-bikini siya noong lumaban siya last year sa Reina Hispanoamericana 2017.

Nag-win si Winwyn bilang Beach Beauty sa Miss World Philippines 2017 dahil sa pinamalas niyang alindog.

“I was beach beauty (best in swimsuit) last year and I had the best time in Boracay with my batch,” caption ni Winwyn.

This year ay magaganap daw ang Beach Beauty competition ng Miss World Philippines 2018 sa Palawan.

“The girls will surely enjoy and bond there! Question is…who will be the next beach beauty?” tanong pa ni Winwyn.

Excited na rin si Winwyn kung sino ang magiging susunod na Philippine representative para sa 2018 Reina Hispanoamericana. Malaking pressure daw ito sa kung sino ang mananalo ng title dahil sa unang try pa lang ng Pilipinas sa naturang pageant, naiuwi na ni Winwyn ang korona.

Sa November 2018 na ang Reina Hispanoamericana pageant na taon-taon ay ginaganap sa bansang Bolivia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?