628
winwyn-marquez
Apr 3, 2018 @ 13:52
By

Winwyn, Diyosa ng kaseksihan!

Patuloy ang palagalag nang kaseksihan ni Winwyn Marquez sa Instagram na habang tumatagal lalong nagiging masarap sa paningin ng kanyang mga fans at mga barakong admirers sa socmed.

Ang latest na sexy photo posting ni Winwyn ay talaga namang nakakalaglag-balikat dahil kahit saang angulo, pamatay ang pigura ng Kapuso star.

Nakaposte sa IG wall ni Winwyn ang larawan nito suot floral two-piece bikini. Naka-unat ang katawan ni Winwyn sa bangka habang nakatayo siya.

Kuha ang larawan sa Palawan kung saan ginawa ang photo shoot para sa Summer ad ng Bench.

Wala kang makikitang anumang pintas sa katawan ni Winwyn. Mula ulo hanggang paa saksakan ito ng kaseksihan.

Impis na impis ang kanyang tyan na nagpapakita nang toned abs nya.

Dahil nga sa may titulo ang katawan ni Winwyn bilang Reina Hispanoamericana 2017, kahit sinong toned-boy Kapuso star na itapat sa kanya, hindi siya puwedeng pagmalakihan.

Gaya nga nang madalas sabihin ng mga followings ni Winwyn at fans sa social media, tanga na si Mark Herras kung pakakawalan pa nya ang binansagang Dyosa ng Paranaque!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?