148

Feb 20, 2020 @ 17:34
By

Winwyn determinadong maging Navy reservist

Sasama sa roster of celebrities na gustong mapabilang sa Philippine Navy reservists si Winwyn Marquez.

Pumirma siya para sumailalim sa Basic Citizen’s Military Training sa Philippine Navy.

Ang Basic Citizen’s Military Training ay entry level military training course para sa mga gustong magpalista na reserve force.

Ani Winwyn, motibasyon niya rito ay dahil alam niyang kaya rin ng mga babaeng maging reservist.

Sa kanyang Instagram ay nag-post pa si Winwyn ng litrato kung saan kasama niya si Naval Reserve Command Chief Brigadier General Ariel Caculitan at kapwa artista na si Petty Officer 3rd Class Rocco Nacino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?