46

By

Winwyn balik-Pinas bukas

Sharing is caring!

Bukas ng umaga ang dating ng bagong Reina Hispanoamericana 2017 na si Winwyn Marquez.

Mensaheng ipinadala ni Winwyn na ipinadala sa PEP.Ph, “Sa lahat ng mga Pinoy, uwi na po ako sa Monday. Excited na po akong umuwi at makita po kayong lahat na sumuporta sa akin. Abangan nyo na lang po lahat kung ano ang mga gagawin ko, ia-update ko naman kayo, and I’ll see you soon.”

Sabi pa ni Winwyn, baka sa susunod na buwan ay babalik pa siya ng Bolivia dahil may mga ilan pa raw siyang kailangang gawin doon bilang reigning Reina. Kaya magiging busy siya sa mga susunod na araw.

Hindi pa niya masabi kung kailan siya babalik sa showbiz, depende pa raw sa pag-uusapan nila ni Arnold Vegafria at sa GMA 7 na kung saan nakakontrata pa siya.

Excited na rin si Winwyn sa pagsubaybay sa mga susunod na laban ng ating mga kandidata. Ang nalalapit na laban ni Mariel de Leon sa Ms. International sa November 14, ang laban naman ni Laura Lehmann sa Ms. World sa Sanya, China, at si Rachel Peters sa Ms. Universe sa November 26.

Nagpasalamat na rin si Winwyn sa mga supporters niya, pati sa mga kapwa candidates na masaya naman daw sa pagkapanalo niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?