3

Dec 7, 2020 @ 14:18
By

Win sa toll operator: Mga motorista padaanin muna nang libre

Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa mga toll operator na magpatupad muna ng “toll holiday” habang inaayos ang kapalpakan sa pagpapatupad ng Radio-Frequency Identification (RFID) cashless payment system.

“Alam natin na yung kanilang sistema ay bulok at hindi ho gumagana, padaanin na lamang po ang taumbayan at magbigay ng toll holiday,” pahayag ni Gatchalian sa panayam sa Teleradyo.

“Kung hindi nila to maayos ng mabilisan e aminin na nila na kailangan nila ng oras para ayusin nila ‘yan, mag-toll holiday na lang ho muna,” sambit pa nito.

Ayon kay Gatchalian, mas mainam na magkaroon muna ng toll holiday para mapigilan na ang matinding pagsisikip ng trapiko sa mga toll plaza at kalapit ng mga lansangan bunsod ng sablay na sistemang ito.

“While you repair your system, while you upgrade your system to make sure that these mistakes will not happen, these technical errors will not happen, let the motorists use the highway for free and implement a tollway holiday,” sabi pa ni Gatchalian sa panayam sa CNN Philippines.

“This highway is for the public to use. Don’t charge them because it’s your fault that your RFID system is not ready and your RFID system is not 100% operational,” dagdag pa nito.

Hindi rin umano dapat sisihin ang mga motorist sa hindi agad pagkuha ng mga RFID stickers kahit na matagal na silang nagbigay ng anunsiyo tungkol sa implementasyon ng nasabing sistema.

“Don’t fault the consumers for your mistakes because we granted you the privilege to operate this highway and you should make sure that your highway works 100% all the time,” sabi ni Gatchalian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?