106

Oct 16, 2021 @ 21:56
By

Win sa kasal nila ni Bianca: ‘In God’s Time’

Una raw muna ang trabaho para sa magkasintahang sina Senador Sherwin Gatchalian at Bianca Manalo bago ang kanilang kasalan.

Magtatatlong-taon na sila bilang magkarelasyon sa Nobyembre, gayunman, dahil sa darating na eleksyon at trabaho ni Bianca, wala pang maibigay na petsa si Gatchalian tungkol sa kanilang kasal.

“Wala akong mabibigay na definite date,” pahayag ng senador sa ulat ng ABS-CBN news.

“Of course, in God’s time.”

“Pag-uusapan namin ni Bianca ng mabuti kung ano ang pinakamagandang oras for both of us. That should be a mutual decision. Wala pa akong mababalita ngayon,” wika ni Gatchalian.

Inamin din ng senador, na muling tatakbo sa nasabing pwesto, na nakakapagod ang kampanya para sa 2022 kaya’t maaaring hindi agad maasikaso ang kanilang kasal.

Bukod dito, may nakatakdang TV series si Bianca.

“Until end of the year and until next year, Bianca will be working. But definitely, kung meron siyang bakanteng oras, she will be representing me in some of the events, kasi nationwide ang campaign. Hindi ko mapupuntahan lahat. Talagang maghahati kami ng oras,” wika pa ni Gatchalian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?