11

Aug 31, 2021 @ 10:15

Win nagbabala sa mga pepeke sa unified vaccination cards

Nagbabala si Senador Sherwin Gatchalian sa mga sindikato na mamemeke ng unified vaccination cards na mabigat ang magiging pananagutan sa batas.
Hiniling din ni Gatchalian na sakaling may magsamantala sa unified vaccination cards at maggawa ng fake nito ang sindikato agad na tugisin at ipakulong.
Nangangamba kasi ang senador na kawawa ang mga OFW kapag kumagat sa mga pekeng vaccination card dahil tiyak na pababalikin sila sa Pilipinas.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?