130

Jan 2, 2018 @ 11:04

Win, JV nakipag-away sa kanilang mga bashers sa socmed

Hindi na natiis ng dalawang senador na patulan ang kanilang mga bashers sa social media nitong Bagong Taon.

Si Sen. Sherwin Gatchalian na nagdiwang ng Bagong Taon sa Estado Unidos ay napikon sa Twitte­r user @tr1pnautic matapos nitong i-post­ ang lumang tweet niya na todo papupiri sa anti-corruption campaign noon kay dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III noong 2012.

“Thanks to PNoy and to his anti-corruption campaign, The Philippines is now getting the needed international exposure. Let’s continue the gains,” Tweet noon ni Gatchalian na may petsang Marso 5, 2012.

Napikon si Gatchalian sa post na ito at minura ang sa Twitte­r user @tr1pnautic. “Gago! Anong year yan???”

Sumawsaw naman ang isa pang Twitter user Romdel Bellosilo na nagsabing “wow, the gall this se­nator gatchalian has is inbelievable…ingrato”. Sinagot naman ito ni Gatchalian at sinabi ito ng “Ulol”.

Samantala, pinatulan din ni Senador JV Ejercito ang isang basher matapos siyang magkomento sa pagtatalaga kay dating Customs Commissioner­ Nicanor Faeldon sa bagong puwesto.

“Personally I would rather that appointees or those who intend to run for public offices does not have any derogatory record or blemish in their track record because they are entering public service. Public service is a public trust,” tweet ni Ejercito.

Isang Twitter user @beenAnne ang sumagot sa tweet ng senador, “Di ba may kaso ka din Senador although na-dismiss.”

Sumagot naman si Ejercito, “Dismiss nga po. So walang kaso ‘di ba?” sagot ng mamba­batas.

Pero giit @beenAnne, “Tama pero the thing na merong case though dismissed so may sumthing?”

Doon na nainis ang senador at sinabing, “Mahirap ‘ata kayo kausap. Di niyo iniintindi.”

Hindi nagpaaawat si @beenAnne at sumagot ng ‘Mas kayo.’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?