5

Feb 19, 2021 @ 13:57
By

Win Gatchalian bukas sa limited face-to-face class

Kumbinsido si Senador Sherwin Gatchalian na handa na para sa limitadong face-to-face class ang ilang munisipalidad sa bansa.

Ayon sa senador sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live, aabot na sa 400 local government unit (LGU) ang wala nang aktibong kaso ng COVID-19.

Dito na aniya puwede ipatupad ang limited face-to-face class, kung saan dapat munang bawasan ang araw ng pagpasok sa mga eskuwelahan.

“Marami tayong munisipalidad na sa island province, zero COVID. ‘Yun payagan na sila magkaroon ng face-to-face classes,” lahad ni Gatchalian.

Aniya, makabubuting gawin munang tatlong bese sa isang linggo ang pagsasagawa ng klase para na rin mapatupad pa rin ang minimum health standard sa mga paaralan.

“Gawin na muna natin hindi sabay-sabay yung pagpasok at ang importante dito may social distancing sa eskwelahan,” saad ni Gatchalian, na chairman ng Senate committee on Basic Education, Arts and Culture.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?