7

By

Wimby crown hindi bibitiwan ni Federer

Sharing is caring!

Sa Lunes na magsisimula ang Wimbledon 2018 at muling magbabalik ang tennis superstar na si Roger Federer para depensahan ang kanyang titulo.

Si Federer, 37, ang may hawak ng record na may pinakamaraming singles title sa lalaki, 20, kabilang na dito ang walong titulo sa Wimbledon.

Ayon kay Federer, wala siyang alam kung hanggang kailan tatagal pag-arangkada niya sa kanyang larangan at wala rin siyang ideya tungkol dito.

Isa sa inaabangan sa torneo ang muli nilang paghaharap ng isa sa matagal na niyang karibal na si Rafael Nadal, na kamakailan lang ay nasungkit ang kanyang ika-11 titulo sa French Open.

Huling nagkaharap ang dalawa sa Wimbledon finals noong 2008 nang manaig si Nadal. Itinuring ang laban bilang “greatest tennis match ever”.

“This is perfection. They are the best players in the world and are proving that even your body is not as young as it was, when one still has the drive and is well prepared, nothing replaces talent and strong will,” ani French Open director Guy Forget.

Sa pagbubukas ng Wimbledon, marami ang nag-aabang sa muling pagtapak ng dalawa dahil matagal silang napahinga at siguradong magandang laban ang kanilang ibibigay. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?