8
rafa
By ,

Wimbledon crown hahatawin ni Nadal

Sharing is caring!

Sasabak sa Wimbledon 2018 ang King of Clay na si Rafael Nadal matapos magpahinga nang makuha ang kanyang ika-11 titulo sa Roland Garros.

Aminado si Nadal na medyo hirap siya sa pagpapalit ng court lalo na’t dinomina niya ang clay court mula Barcelona, Monte Carlo, Madrid at French Open.

Takot din si Nadal na maaring lumalala ang knee injury niya dahil sa mababang pagtalbog ng bola sa Grass Court kaya nagdesisyon ito na hindi tumuloy sa Queens.

“I have very intense campaign on clay and my body needed to rest because drastic changes are not good,” ani Nadal.

Dagdag nito, maglalaro siya sa Wimbledob kahit konti lang ang kanyang paghahanda pero kumpiyansa siya dahil maganda ang naging laro niya sa buong clay court season.

Kasalukuyang sumasabakan sa Mallorca Open si Nadal bilang bahagi ng kanyang paghahanda para sa Wimbledon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?