24

Feb 17, 2020 @ 10:46
By

Wilson sinalba ang San Juan vs Pasay

Ineskapo ni ex-pro John Wilson ang top seed San Juan Knights Go for Gold sa matapang na eight seed Pasay, 75-74 para makauna sa best-of-three quarterfinals ng 3rd Chooks MPBL Lakan Cup 2019-2020 nitong Sabado sa Filoil Flying V Cenre.

Pumukol ng clutch trey ang dating Ginebra forward upang alisin sa 71-deadlock ang laro sa natitirang 1:31. Si Jhonard Clarito ang nagpadagdag pa ng isang puntos matapos ipasok ang isang freethrow. Pero humirit pa ang Pasay sa pamamagitan ng buzzer-beating trey ni Ronnel Lastimosa na nagdadala sa final tally.

Tumapos si Wilson ng 11 points sahog ang 8 rebounds at 3 steals sa likod ni Mike Ayonayon na tumirada ng 15 markers, 5 assists at 2 stls. para tapusin ng defending champions ang planong pagsilat ng Pasay.

“Number one yung defense, nakakuha kami ng mga turnover kay Jaypee (Belencion), yung forced shots nila plus yung hustle ng mga player talagang hindi nag-give up,” ani San Juan coach Randy Alcantara.

Hindi naman sumpat ang 24 puntos ni Axel Inigo mula sa kinolektang 4 na trey.

Tagisang muli sila sa Game 2 ang dalawa sa Huwebes sa AUF Gym sa Pampanga.

Nakabuwenamo rin ang ang Pampanga ADG Group of Companies kontra 1Bataan- Camaya Coast, 71-64.

Ang iskor:

San Juan 75 — Ayonayon 15, Clarito 13, Rodriguez 11, Wilson 11, Estrella 8, Wamar 7, Isit 6, Aquino 4, Tajonera 0, Victoria 0, Pelayo 0, Reyes 0, Gabawan 0, Bunag 0.

Pasay 74 — Inigo 24, Moradas 13, Belencion 11, Ilagan 9, Reverente 8, Lastimosa 3, Chan 2, Lasquety 2, Pasia 2, Opiso 0.

Quarters: 13-24, 28-36, 53-60, 75-74.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?