224

Jul 11, 2019 @ 15:58
By

Wilson, San Juan Knights rumatsada kontra Bacolod

Niratrat ni John Wilson at San Juan Knights ang Bacolod-Master Sardines 95-71 sa MPBL Lakan Season Miyerkoles sa Olivarez College Gym.

Umiskor si Wilson ng 22 points para mapanatiling malinis ang record ng San Juan (4-0) sa torneo nina Senator Manny Pacquiao at PBA legend at former MVP Kenneth Duremdes bilang commissioner.

“I just told the players, kailangan business as usual pa rin kami. ‘Yung mga teams naglakasan ngayon. Whether we are facing an A-grade team or a marginal team, dapat parehas lang ang level ng intensity of play namin,” pahayag ni San Juan coach Randy Alcantara.

Katuwang din sa opensa ng Knights si Jhonard Clarito na may 16 points.

Samantala, wagi rin sa dikdikang laban ang Iloilo United Royals kontra Nueva Ecija-MiGuards, 92-90.

“Yes, a win is a win, but I’m not satisfied,” wika ni head coach Eric Gonzales.

Ito ang ikatlong panalo ng United Royals sa apat na laban na kanilang nilaro.

Tagumpay rin ang panig ng Paranaque Patriots sa tulong ni Jemal Vizcarra at Popoy Banzali laban sa Navotas Uni-Pak Sardines sa score na 82-71.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?