866

Jun 20, 2020 @ 12:48

Willie umayuda kay Tetay sa talk show

 Mas may tama sa hula ng netizens kesa sa source ng talent manager na si Lolit Solis tungkol sa post ni Kris Aquino kamakailan lang.

Nag-post kasi si Kris na ang dating, may hint na comeback. Ang netizens, si Willie Revillame agad ang naisip na magiging daan.

Pero sa naging Instagram post ni Nay Lolit, si Senator Manny Pacquiao ang sinabi nitong magiging kasama ni Kris sa pagbabalik talk show nito.

Binasag agad ni Kris ang post ni ‘Nay Lolit at itinanggi na may nilulutong talk show nila ng boxing champ. At saka inaming si Willie nga ang responsable sa pagbabalik niya sa talk show.

“Willie Revillame generously offered me use of the other studio he set up in Wil Tower for me to do FB & YT daily…there’s more but I signed a non disclosure agreement and masunurin na your Tetay now,” sabi ni Kris.

Agot, Pilo hiwalay na

Halos mag-aapat na buwan na rin na naka-quarantine ang Pilipinas, particular na ang NCR kaya naman ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ay may emote sa kanyang Twitter account.

Kyemeng nagwo-worry ito kung magkaka-gusto pa raw kaya sa kanya dahil sa tagal na ng quarantine.

Pero mas aliw na naki-emote na rin sa reply nila ang mga “marse” ni Angelica na sina Agot Isidro at Cherry Pie Picache.

Sabi ni Agot, “Same cyst.” So, break na pala sila ni Pilo Hilbay?

At si Cherry Pie naman, “Wag kang ganyan… baka tuluyan na akong mawalan ng pagasa. Kaw pa ba???!!??”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?