645

Jun 3, 2019 @ 16:03
By

Willie Revillame nagregalo ng drone sa ‘Showtime’ contestant

Pinag-usapan sa social media ang pagkausap kay Willie Revillame sa Kapamilya show na “It’s Showtime” nitong Lunes.

Isang contestant ng “Tawag ng Tanghalan” ang nanawagan kay Revillame ng drone para sa kanyang anak.

Nagbiro pa si Willie na abonohan muna ni Vice ang hinihinging drone ng contestant pero sa bandang huli bumigay din ang una at reregaluhan na ng drone ang lalaki.

Pina-trending ito ng mga netizen sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?