46

Aug 20, 2020 @ 16:34
By

Willie Revillame magbibigay uli ng P5M sa mga jeepney driver

Panibagong P5 milyon ang ido-donate ng TV host na si Willie Revillame para sa mga jeepney driver.

Ayon kay Revillame, sa susunod na buwan ay ipamamahagi niya ang P5 milyon para naman sa panibagong batch ng mga drayber.

Noong Miyerkoles personal na ipinamahagi ni Revillame ang nauna niyang pinangako na P5 milyon para sa mga jeepney driver na nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa Facebook page ng LTFRB, ibinahagi ang mga larawan ng naganap na pamamahagi ng donasyon sa mga jeepney driver sa central office ng ahensiya.

Kabuuang 3,211 na drayber ang nakinabang sa ayuda na galing sa TV host.

Bukod sa pera ay nagbigay din si Revillame ng sako-sakong bigas para sa mga tsuper.

Ani Revillame, personal savings niya ang tulong na ibinigay sa mga driver.

https://www.facebook.com/ltfrb.central.office/posts/2692079954367249

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?