52

Oct 7, 2021 @ 19:29
By

Willie Revillame hindi na tatakbo

Inanunsyo ni TV host Willie Revillame na hindi na siya tatakbo sa 2022 elections.

Sinabi niya ito sa show niyang “Wowowin” nitong Huwebes.

“Sa araw na ito, tuloy-tuloy pa rin ang Wowowin. Hindi ko po kailangan kumandidato. Hindi ko po kailangan manalo. Ang kailangan ko ay makasama kayo, dahil sa puso ko, sa isip ko, dapat laging ang mga Pilipino, kayo ang panalo. Ang programang ito na Wowowin ay ginawa para sa inyo,” aniya.

“Ako po si Wilfredo Revillame, nanunumpa sa inyo, dito lang ako sa Wowowin para magsilbi sa inyo. Tuloy-tuloy lang po ang Wowowin,” dagdag niya.

Matatandaang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na gusto niyang tumakbo sa pagka-senador si Revillame.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?