2,131

Dec 30, 2017 @ 15:01

Willie Revillame ‘di humingi ng datung sa Iglesia Ni Cristo

Si Willie Revillame ang host ng New Year Countdown sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan na dadaluhan ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

Reportedly, for free ang hosting job ni Willie at performers sa countdown to 2018 sina Ruru Madrid, Ara Mina, Anthony Castelo, Claire dela Fuente at Imelda Papin.

Sa mga hindi nakakaalam, devout member ng Iglesia Ni Cristo si Ruru Madrid, pati na ang Hashtag member na si Jon Lucas.

Sa interview namin noon kay Jon, sinabi nito na tiyak na mami-miss niya ang kanyang pumanaw na ina dahil noong nabubuhay pa ito, sama-sama nila na sinasalubong ang pagpasok ng Bagong Taon sa Philippine Arena. Aneurysm ang ikinamatay ng nanay ni Jon noong September 22, 2017. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?