1,463

Dec 2, 2017 @ 11:15
By

Willie Revillame binasura na ang mga babaeng pasaway

Magkakaroon ng reformat ang “Wowowin”, ang top rating game show ni Willie Revillame sa GMA 7. Sa ngayon, walang co-hosts si Willie sa “Wowowin” dahil naghahanap pa siya ng mga baguhan na bibigyan niya ng malaking break bilang co-hosts ng programa.

Ipapakilala rin ni Willie sa “Wowowin” sa unang buwan ng 2018 ang mga bagong segment ng kanyang show tulad ng Akyat-Bahay.

Nawala ang mga dating co-host ni Willie sa “Wowowin” dahil hindi nila naging priority ang television show na nagpasikat sa kanila. Kahit may regular taping days, tumatanggap ng ibang mga mapagkakakitaan ang mga former co-host ng “Wowowin” at kung kailan malapit na ang

araw ng mga raket nila, saka lamang sila nagpapaalam kay Willie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?