9

Apr 14, 2021 @ 22:35
By

Willie Revillame binakunahan ng Sinovac

Tumanggap ng unang dose ng bakuna kontra coronavirus disease si Willie Revillame bilang senior citizen sa edad na 60.

Sinabi ng “Wowowin” host na tinurukan siya ng Sinovac vaccine noong Martes ng hapon.

Nakatakda ang pagtuturok ng ikalawang dose sa kanya sa Mayo 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?