370

Apr 22, 2020 @ 14:51
By

‘Willie Revillame’ badtrip sa mga tambay, tsismosa

“Dapat ang mga inuuna bigyan ng AYUDA ay yung mga nahinto sa paghahanap buhay HINDI YUNG MGA WALA NAMAN TALAGANG HANAPBUHAY!”

Ito ang pahayag na shinare noong Lunes ng isang “Mr. Willie Revillame” Facebook page.

“PINASARAP nyu lang ang buhay ng mga tambay at tsismosa! KAYA NGA SILA SIGING LABAS AT PASAWAY PARA TUMAGAL PA ANG PASARAP NILA!!!,” ayon pa sa pahayag. “KAWAWA YUNG MGA TOTOONG KUMAKAYOD NA NAHINTO!!! TAMBAK NA MGA BAYARIN ANG NAG AANTAY SA KANILA.”

Umani na ito ng 103,000 shares at 16,000 reactions.

Gayunman, giit ng page na hindi sila ang opisyal page ni Kuya Wil kundi isa lang itong fan account.

“This is not the official page of Mr. Willie Revillie. Its fan base who support mr. WIllie :),” ang mababasa sa About section ng page.

https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=1664992083651607&id=954763824674440

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?