204
willie-tulog

Willie, niregaluhan ang audience na tinulugan ang kanyang show

Sharing is caring!

Pinagkatuwaan ni TV host-businessman Willie Revillame ang lalaking audience na nahuli niyang natutulog habang umeere ang “Wowowin”.

Kasama noon ni Revillame sa stage ang co-host niyang si Paolo Contis nang mamataan ang lalaking natutulog sa kanyang show.

Nang makita niya ito ay nag-signal siya sa mga tao na huwag maingay at nag-joke ng “Pare, ok ka lang ba diyan, penge naman niyan. Quiet, quiet, quiet lang ha.”

“Pengeng jacket, pengeng cellphone, ‘wag niyong gisingin,” sabi ni Revillame sa kanyang staff habang pababa ng stage papunta sa lalaki na natutulog sa upuan.

Tuwang-tuwa naman ang audience.

“Susurpresahin ko lang siya, quiet, quiet lang,” sabi ni Revillame, katabi na ang natutulog na lalaki.

“Alam niyo mga kababayan, syempre napagod ang tao. Ganyan talaga ang buhay, nakakahiya naman kanına pa tayo rito, tatlong araw na po tayong di umaalis dito pero andito pa rin siya. Alam mo pare naiintindihan ko naman, naiintindihan ko naman ang kalagayan… Shhhh please lang quiet naman nagpapahinga ang kaibigan natin,” sabi ni Willie sabay tawanan ng mga tao.

“Dahil diyan, bigyan natin siya ng Astro 2. Meron kang Cherry Mobile.”

Saka niya inilagay ang cellphone sa kamay ng lalaki na tulog pa rin.

“Meron kang jacket,” sabi pa ni Willie na ikinumot ang jacket sa nagising nang lalaki.

Hiyang-hiya naman ang lalaki sa nangyari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?