39
Willem Dafoe present sa Edsa Revolution
By

Willem Dafoe present sa Edsa Revolution

Isang Hollywood star pala ang mismong nasa Edsa Revolution noong 1986.

Ito’y walang iba kundi ang Academy Award-nominated actor na si Willen Dafoe, na saktong nasa Pilipinas sa kasagsagan ng People Power Revolution.

Sa panayam sa actor ng Vanity Fair, binahagi nito ang karanasan noong nasa Pilipinas pa para sa shooting ng pelikulang ‘Platoon’.

Aniya, nakansela ang shooting para sa kanyang pelikula dahil sa pag-aaklas,

“Sit tight, the movie’s canceled, we’ll get you out when you can,” pagsariwa ni Dafoe.

“So for three or four days, me and a couple of other people that were there ahead of time, were out on the streets with the people,” aniya pa.

Nabilib naman ang actor sa rebolusyon na isa sa pinakamapayapa sa kasaysayan.

“And it was an incredible feeling because it was a revolution that happened for the most part without violence.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?