9

Mar 3, 2021 @ 15:43
By

Will Smith balak pumasok sa politika

May posibilidad na sumuong sa mundo ng politika si “Men in Black” star Will Smith.

Inamin ni Smith ang interes niya sa politika sa inilabas noong Lunes na interview sa kanya sa “Pod Save America”, kung saan nag-promote siya ng bagong Netflix docuseries na “Amend: The Fight for America”.

Binigyang-diin ng 52-year-old actor na may opinyon siya pagdating sa activism, systemic racism at mga ideya para sa hinaharap ng Amerika.

“I will certainly do my part, whether it remain artistic or at some point venture into the political arena,” sagot ng aktor nang tanungin kung isasaalang-alang ba niya mismo ang pagtakbo sa politika.

“For now, let that office get cleaned up a little bit. I’ll consider it at some point down the line,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?