9

Will Ferrell naaksidente

Sharing is caring!

Na-involve sa isang car accident ang Hollywood comedian na si Will Ferrell. Nabangga ang sinasakyan na 2017 Lincoln nila Ferrell and company na minamaneho ng isang 62-year old chauffer ng isang 2007 Toyota na minamaneho ng isang 22-year-old male driver.

Naganap ang aksidente sa Interstare 5 in Orange County at around 11:00 PM. Sa hindi sinasadyang pangyayari, nabangga ng 22-year-old driver ang right rear ng sasakyan ni Ferrell.

“The hit caused the actor’s car to veer left and strike the center of a divider median. Ferrell’s car then overturned,” ayon sa report ng TMZ.

Mabilis rumesponde ang firefighters, highway patrol at emergency personnel sa lugar ng aksidente. Dinala ang comedian at ang mga kasama nito sa kotse sa Mission Hospital for minor injury treatment. Yung driver ng Toyota ay walang na-sustain na injury.

Nakalabas ng ng ospital si Ferrell at maayos na ang kalagayan nito. Nakausap ng E! News ang manager ni Ferrell pati na ang California Highway Patrol para alamin ang mga nangyari.

“Ferrell attended an event in San Diego called Glam Up the Midterms. There, he dressed up as his Anchorman character Ron Burgundy and took the stage with Billy Eichner to discuss the up-coming primary in CA-49. Glam Up the Midterms is an initiative by Eichner and Funny or Die to encourage young people to vote in midterm elections,” nilabas na statement ng manager ni Ferrell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?