12

Mar 5, 2021 @ 14:02
By

Wilbert Ross tsugi dapat sa Hashtags

Himalang maituturing ni Wilbert Ross ang pagkakasama niya sa Hashtags — lalo’t hindi pala siya dapat kasama sa mga pumasang applicant para sa boy group.

Sa exclusive interview ng ‘Jigo Live’ kay Wilbert, kinuwento nito kung papaano ba siya nakapasok sa Hashtags, na noong una’y rejected pala siya para sa boy group ng ‘It’s Showtime’.

Hindi biro ang pinagdaanan ni Wilbert, na nabigong pumasa sa ilang contest tulad ng ‘Boyband PH’ at ‘Pinoy Big Brother’.

Doon siya sumalang at nag-audition para mapabilang sa Hashtags.

“First round nakuha ako, first cut… Tapos sinabihan kami lahat, ‘bumalik kayo bukas,'” kuwento ni Wilbert.

“Ang hindi ko alam, isa-isa palang tinext ‘yung mga tao na nakuha, hindi pala lahat talaga [pumasa],” aniya pa, kung saan sinaad niya na wala siyang natanggap na text at nagtungo pa rin para ituloy ang audition.

“Nung tinawag na ‘yung mga number… ba’t wala ako? Hindi ako natawag,” sambit pa ng aktor, at doon niya nalaman sa coordinator na nasa reject ang papel niya at hindi dapat makakasama sa Hashtags.

Doon na siya sinama ng coordinator sa mga pumasa hanggang sa tuloy-tuloy siyang mapasama sa final line-up ng Hashtags at maging parte ng ‘It’s Showtime’ family.

“Ang pangarap ko lang talaga makita sa TV ng isang beses, pero sobra ‘yung binigay ni God, ginawa niyang araw-araw,” lahad ni Wilbert.

Ngayon ay isa nang recording artist si Wilbert, na may bagong release titled ‘Di Ko Alam’ under Viva Records.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?