369

Jan 13, 2022 @ 20:22
By

Wil napa-comment sa sexy photo ni Alodia

Tila nanghinayang ang vlogger na si Wil Dasovich sa break-up sa longtime girlfriend na si Alodia Gosiengfiao.

Sa Facebook, nag-post ang cosplayer ng sexy photo niya na nakasuot ng fitted formal dress at bumababa sa hagdanan.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Hi. Ako nga pala yung sinayang mo.”

Nag-reply dito ang kapatid niyang si Ashley ng: “Tag ko na ba?”

Napa-comment naman si Wil at sinabing: “Ashley Gosiengfiao wag na nagboblow up na fone ko alam ko na! Nakupo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?